“Yakapin ang inyong mga anak at mga mahal sa buhay kasi hindi natin alam kung kailangan sila mawawala sa ating piling”
Ito ang emosyonal na ibinahagi ni Atty. Arnedo Valera sa nais iparating sa lahat ng mga Pilipino nang ina nang nasawing Filipino lawyer na si John Albert “Jal” Laylo, na binaril sa Philadelphia.
Pagsasaad din ng ina umano ni Atty. Laylo na hanggang sa kasalukuyan ay nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon para sa pagtukoy sa suspek.
Aniya bagama’t hindi humaharap sa media ang ina ni Atty. Laylo, nais nitong ipabatid sa gobyerno ang kahalagahan ng pagpapatupad ng mga batas na may kinalaman paglilimita ng paggamit ng mga baril.
Sa ngayon kasi umano ay nanatiling mataas ang bilang ng mga kaso ng gun violence sa Amerika bagama’t nangako ang gobyerno sa pagpapatupad ng gun control laws ay hanggang sa ngayon ay hindi pa ito nabibigyan ng agarang aksyon dahil sa nangyayaring stalemate.
Aniya sa darating na sabado ay magkakaroon ng malawakang protesta upang paingayin ang isyu ng hindi matapos tapos na karahasan sa kanilang bansa.
Dagdag nito na hindi naman nagkukulang ang mga Filipino organizations sa pagpapaaalala sa mga mamamayan patungkol sa pag-iingat at awareness sa nasabing krimen.
TINIG NI ATTY. ARNEDO VALERA
Matatandaang si Laylo at ang kanyang ina ay nasa isang sasakyan sa Philadelphia, Pennsylvania papunta sa kanilang flight sa Chicago nang pagbabarilin ng hindi nakikilalang salarin ang sinasakyan nilang Uber kung saan isa sa anim na bala ang tumama sa ulo ng Abogado.




