BOMBO DAGUPAN – Mayroong ilang mga rehiyon partikular na ang Central Luzon, National Capital Region at CALABARZON ang hindi nakasabay sa pagbubukas ng klase noong lunes matapos makaranas ng matinding pagbaha noong nakaraang linggo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Arlene James Pagaduan President, Action and Solidarity for the Empowerment of Teachers (ASSERT) Central Luzon ay sasamantalahin na lamang ngayong linggo sa pagsasagawa ng brigada eskwela gaya na lamang sa paglilinis.

Aniya na sa Bataan ay halos lahat ng paaralan ay ipinagpaliban muna ang pagbubukas ng klase.

--Ads--

Samantala, kaugnay naman sa pagpapatupad ng bagong curriculum na tinatawag na MATATAG Curriculum saad ni Pagaduan ay magkakaroon ito ng kalituhan bagamat mula sa 60 minuto na oras ng klase sa bawat subject ay gagawin na lamang 45 minuto.

At dagdag lamang ito loading ng mga guro dahil madadagdagan ang kanilang trabaho.

Bagamat ay tuloy-tuloy parin ang pag-ulan sa ilang lugar ani Pagaduan na inaasahan na talaga na magkakaroon ng cancellation sa klase at marami ang mapipilitan na magshift muna sa blended learning o online class.

Subalit isa itong hamon lalo na sa mga estudyante na walang access sa internet, isang bagay na dapat ay masolusyonan ng gobyerno.

Matatandaan na inihayag ni Pangulong Marcos Jr. sa kanyang nakalipas na State of the Nation Address na isa ito sa kanyang mga isasagawa kaya’t umaasa si Pagaduan na lalo na sa kagawaran ng edukasyon na ma-address ang mga isyu at alalahanin sa kagawaran upang hindi na maantala ang pagsisimula ng klase.