Nagdulot ng pangamba lalo na sa mga foreigners ang pagpapatupad ng Martial law na kalaunan ay binawi din ni South Korean President Yoon Suk Yeol dahil sa pagboto ng parliyamento upang ito ay kontrahin.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Aluh D. Abendan -Bombo International News Correspondent sa bansang South Korea lahat ng mga tao roon ay nakaantabay ng kumalat ang balita na nagpatupad ng emergency martial law ang presidente kung saan aniya ang naging dahilan upang ito ay ipatupad ay para ipagtanggol ang bansa laban sa mga anti-state forces.

Subalit ilang minuto lamang bago ito maipatupad ay agad namang nagpatawag ng emergency parliamentary session ang parliament upang ito ay kontrahin at tinatayang nasa 190 lawmakers ang bumoto ng ‘no’ habang wala namang ni isa ang bumoto ng ‘yes’.

--Ads--

Tinanggap naman ni President Yoon ang demand ng mga lawmakers na iwithdraw ang martial law subalit nagdulot parin ito ng takot sa karamihan.

Samantala, dahil naman sa mga panay na pag-aalsa doon ay isa ito sa nag-udyok aniya sa naging desisyon ng Presidente at umano’y ang pagdami ng North Korean spies.

Sa ngayon ay payapa naman sa South Korea at kagabi lamang niya naobserbahan na halos gising pa ang mga tao roon ng madaling araw kaya’t humihingi na lamang ito ng tulong sa pamamagitan ng pagdarasal para sa ating mga kababayan na nasa nasabing bansa.