DAGUPAN CITY- Tiniyak ng bagong acting Regional Director ng Police Regional Office 1 ang pagpapatupad ng iba’t ibang seguridad upang mapanatili ang ligtas, maayos at mapayapang kumunidad sa buong rehiyon uno.

Ayon kay PBGen. Dindo Reyes, acting Regional Director ng PRO1, na nagsagawa ng sila ng command visit sa bawat probinsya at nakabase pa rin sa 3 pillars ang kanyang mga utos.

Kung saan una na rito ang swift and responsive police service, mabilis at tamang aksyon na nararapat, ikalawa, ang pagkakaroon ng unity at pagkakaisa para magkaroon ng maayos na kumunidad at ang pagkakaroon ng mataas na moral ng mga kapulisan pagdating sa kanilang mga Karapatan.

--Ads--

Ikatlo ang modernization at discipline, anya na dapat ang mga pnp personnel ng rehiyon ay alam kung ano ang kanilang responsibilidad gaya na lamang na pagtayo at pagharap bilang mga lider.

Samantala, pagdating sa datos ukol sa crime rate, anya ay bumaba ito ngayong taon sa kaparehong quarter kung ikukumpara sa nakalipas na taon.

Anya dahil dito ay isa ito sa magandang resulta sa magandang trabaho ng mga kapulisan sa rehiyon.

kung saan mula January 1, 2024 hanggang June 27, 2024 nakapagtala ng 4,232 na crime rate habang sa kaparehong period naman nito ngayon ay nakapagtala lamang ng 4,034 kung saan bumaba ito ng 198 o katumbas 4.7% habang sa index crime naman ay bumaba ang kanilang tala ng 211 incidents ay 32% at sa land index crimes bumaba naman ito ng 259 o 31.5% .