DAGUPAN CITY- Hindi maitatanggi ang kagandahan ng intensyon sa pagbebenta ng P20 kada kilo ng bigas subalit, isa lamang umano itong bond-aid solution sa malaking kinakaharap ng bansa hinggil sa pagkain at agrikultura.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Rodel Cabuyaban, magsasaka sa Guimba, Nueva Ecija, iilan lamang ang mapagbebentahan nito at hindi pa maaabot sa iba pang nangangailangan.
Gayunpaman, maganda itong ipagpatuloy at paglaanan ng budget para makinabang na ang buong bansa.
Ani Cabuyaban, hanggang sa ngayon ay nasa kalahating kilo pa lamang ang nabibiling bigas sa kanilang lugar sa parehong halaga.
Subalit, marami pa rin nabibiling klaseng bigas sa kanilang bayan na umaabot sa P40 kada kilo.
May ilan din tindahan na nagbebenta ng mapagtitiisang kalidad ng bigas sa presyong P29 kada kilo.