Pirma na lang umano ni Dagupan City mayor Mark Bryan Lim ang kailangan upang maisakatuparan ang pagpapatayo sa lungsod ng $15-million facility na nag convert sa solid waste upang maging fuel .
Ayon kay Waste2Worth Innovations founder and CEO Jill Boughton, na siyang nanguna sa proyekto, ang zero emissions waste-to-energy plant ay nagcoconvert sa mga plastic trash upang maging diesel para sa mga power public utility vehicles at mga banca.
Nabatid na napili ang lungsod ng Dagupan na pagtayuan ng planta dahil sa pagiging isang frst-class city sa lalawigan ng Pangasinan at tinaguriang Bangus capital of the Philippines.
Katuwang nila ang National Solid Waste Management Commission at Solid Waste Management Association of the Philippines, ayon kay Boughton, ang volume ng mga basura sa lungsod na kinabibilangan ng mga tira tirang pagkain, nabubulok na mga pagkain o ay nagdudulot methane gas, 26 na beses na mas delikdo kaysa inilalabas na sa carbon dioxide.
Kino-convert din sa pamamagitan ng Waste2Worth plant ang mga basurang ito upang maging isang uri ng natural gas sa mga motorized tricycles.
Ang dumpsite ng lungsod ay matatagpuan sa gilid ng baybayin sa Barangay Boquig, na ikikonsiderang environmentally critical area. Ito ay nasa bisinidad ng mga government offices at maaaring makaapekto sa kalidad ng hangin na pumapalibot sa mga residente na maaating magdulot ng pagkakasakit ng mga taong nakatira malapit.
Inaasahang maitatayo at natatapos ang proyekto sa lalong madaling panahon at magiging operational ito sa second quarter sa susunod na taon.