DAGUPAN CITY- Malaking tulong para sa paglago ng turismo sa bayan ng Bolinao ang itatayong tulay na magdudugtong sa Santiago Island.

Ayon kay Mary De Guzman-Suarez, toursim officer ng bayan, malaki ang maibabahagi nito sa kanilang isla upang ipakita ang kanilang mga pasyalan, katulad na lamang ng Mangrove Park sa Brgy. Pillar, Sandbar sa Brgy. Dewey, at ang mga local artisan.

Maliban pa rito, hindi na rin mahihirapan ang mga local artist na gumamit ng passenger boat upang ibyahe ang kanilang ginagamit na materyales.

--Ads--

Kaugnay nito, mapapamura na din ang mga materyales na pangkonstruksyon na mula sa kanilang isla.

Malaking bagay din ito sa mga resort ng isla upang mas mapadali ang mga turista sa kanilang pamamasyal.

Ito rin kase aniya ang makakatulong sa tourism diversity lalo na sa mga panahon na dinadagsa ang kanilang pasyalan, partikular na sa Patar Beach.

Samantala, may karagdagang proyekto pa ang kanolang bayan mula sa kanilang napanalunan sa naganap na Tourism Champion Challenge kung saan naiuwi nila ang ikatlong pwesto na may premyong P15-million.

Kalakip nito ang pagsasaayos ng Silakip Island sa kanilang bayan.