Hindi sukatan ng pag unlad ng bansa ang mga ipinapatayong mga gusali.
Ayon kay Josua Mata, Secretary General ng Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa (SENTRO), sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, naniniwala siya na ang totoong sukatan ng pag unlad ng bansa ay ang pag unlad ng buhay ng mga mamamayan.
Aniya, kahit gaano kagarbo ang mga ipinapatayong infrastructure kung ang mga mamamayan ay namamatay naman sa gutom at nagtititis sa trabaho sa mababang sahod ay hindi masasabing maunlad na ang bansa.
Giit niya na para sa kanila ang totoong sukatan ay ang trabaho, sahod at karapatan.
Sa katunayan base sa isang survey, napakataas ang posoryento ng mga mamamayan na sa tingin sa kanila lalo pa silang naghihirap.
Isa sa nakikita rin niyang salik ay hindi rin priority ng pangulo ang paglikha ng trabaho kung kayat walang trabaho na nalilikha sa bansa.
Itoaniya ang dahilan kung kayat malaki ang un employedsa bansa at hindi nababago ang kalidad ng mga trabaho.
Samantala, inanunsyo ni Mata na magkakaroon ng dalawang malalaking rallies sa darating na Enero 31 bilang pagtuligsa hindi lang sa palpak na budget kundi sa pangangailangan na panagutin ang mga lider ng bansa na lumalabag sa sinasaad ng ating konstitusyon.