Dagupan City – Plano ng lokal na pamahalaan ng Dagupan na madagdagan ang pagpapatayo ng mga evacuation centers sa ilang barangay na may dalawa hanggang tatlong palapag bilang tugon sa pangangailangan ng mamamayanbpara sa mas ligtas at komportableng mga silungan sa panahon ng kalamidad.
Ito ang isa sa mga pangunahing prayoridad o tinututukan ngayon ng kasalukuyang administrasyon dahil sa mga banta ng matataas na tubig baha at storm surge tuwing may sama ng panahon sapagkat hindi na kaya ang 1 storey building ng mga ganitong sitwasyon.
Ayon sa eksklusibong panayam kay Dagupan City Mayor Belen Fernandez na umabot kasi sa mahigit 2000 mga indibidwal o nasa 800 pamilya ang inilikas sa kasagsagan ng 2 linggong sama ng panahon at malawakang pagbaha.
Dahil sa bilang ng mga evacues ay napuno ang ilang pasilidad habang ang ilan naman ay nagkaproblema dahil sa napapasok ng tubig baha kaya sila ay lumilipat.
Sa ngayon ay nakabalik na ang mga ito sa kani-kanilang mga tahanan dahil sa nagpapatuloy na magandang panahon.
Aniya na kailangang maibigay ang maayos at ligtas na lugar para sa mga evacuees lalo nat ang Dagupan ay isa sa mga lugar na lubos na apektado sa nagdaang 2 linggong sama ng panahon.
Ipinagmamalaki nito na mayroon nang evacuation center sa parte ng Bonuan Area na nasa 4 na palapag habang ang ilan naman ay nagpapatuloy ang konstruksyon gaya sa barangay pugaro at salapingao dahil sa naharang na budget sa nakalipas nitong termino.
Nagpapasalamat naman ito sa mga nasa private sektor, department of education at simbahan dahil sa tulong na ibinigay sa pagpapahiram ng mga pasilidad at building para sa mga evacuees lalo na sa paghahanda ng storm surge.
Saad pa nito na hindi sila humihinto sa paghingi ng tulong sa national government para maisakatuparan ang mga plano at proyekto sa dagupan na papakinabangan ng mamamayan.