Dagupan City – Parehong may epekto sa US at Canada ang pagpapataw ng malawakang taripa ni US President Donald Trump sa mga pangunahing partners ng United States pagdating sa kalakalan tulad ng Canada.

Ayon kay Ruth Marie Magalong, Bombo International News Correspondent sa Canada, maraming epekto sa magkabilang panig ang pagpapataw ng 25 percent na taripa sa mga export mula sa Canada papuntang Estados Unidos

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, sinabi nito isa ang US sa pinakamalaking investor sa Canada, habang ang Canada ay ang pinakamalaking direct source of foreign supplier ng enerhiya.

--Ads--

Ikinagulat aniya ng marami ang anunsyo ni Trump dahil may kasunduan noong 1992 sa panahon ni dating US president Bill Clinton kung saan nilagdaan ang North American Free Trade Agreement (NAFTA).

Aniya, maraming produkto ng US ang nakakapasok sa Canada, at dahil sa dagdag na taripa ay magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin .

Kapag nangyari yun ay hindi na bibili ang Canada ng produkto na made in US at lalong palalakasin pa umano ng Canadian government ang buying purchase sa mga locally grown na products.

Kaya naman umaangkat ang Canada sa Amerika dahil sa law of supply and demand.