Matagumpay na isinagawa ang Dagyaw 2025 na may temang ‘Sama-samang hakbang tungo sa mataas na antas ng literasiyang rehiyon uno’ na ginanap sa Sison Auditorium sa bayan ng Lingayen.
Kung saan ngayong taon ay pinagsama-sama ang mga kumunidad, lider, at mga katuwang na ahensya, gaya na lamang ng Department of Interior and Local Government Unit (DILG) Region 1 at ang Department of Education upang mas maunawaan ang functional literacy at kung paano ito makakatulong sa pagpapabuti ng buhay ng mga komunidad na nangangailangan.
Ito rin ay programa ng gobyerno ng Pilipinas na naglalayong mapabuti ang paghahatid ng mga serbisyo sa mga komunidad, partikular sa mga lokal na pamahalaan.
Ito ay isang plataporma para sa mga mamamayan at mga opisyal ng gobyerno na makipag-usap at magkaroon ng dayalogo tungkol sa mga isyu at mga programa ng gobyerno.
Ayon kay Usec. Malcolm S. Garma, DEPED Undersecretary for Operations na nagsilbing keynote speaker sa programa na ito ay isang mahalagang aktibidad dahil ito rin isang panawagan upang matutukan at mapag-usapan ang literasiya sa mga mag-aaral sa buong rehiyon uno.
Aniya na ito rin ay magiging daan upang mapunan ang mga learning gaps, mabigyan ng maayos na kalagyan ang mga guro, mas mapatibay ang pundasyon sa pagbasa at pagbibilang.
Dagdag pa nito na sa tuwing pagkatapos ng school year ay mayroong assessment na isinasagawa ang mga kaguruan o tinatawag na comprehensive rapid literacy assessment upang masuri ang datos ng mga mag-aaral sa pagbabasa at bukod sa end of school year ay mayroon din mauunang assessment na isinasagawa tuwing simula ng school year.
Anya na batay sa datos nito lamang school year 2024-2025 na nasa 65,000 o higit pa na mga grade 3 learners sa buong bansa ang hindi nakakabasa ng letra at hindi nakakatunog ng letra at tinatawag itong low emerging readers.
Kaya naman kaugnay ito ay mayroon silang programa upang matulungan ang mag-aaral sa pagkatuto na magbasa o pataasin ang literacy.