DAGUPAN CITY — Naging matagumpay at mapayapa ang naging pagpapasinaya sa bagong tayong Tanglaw-Lahi 99 Day Care Center na hatid ng Pangasinan Police Provincial Office sa mga anak ng pulis sa kampo at mga sibilyang mag-aaral para sa maayos, ligtas, at magandang pasilidad.

Isinagawa kaninang umaga ang Blessing and Inauguration ng nasabing pasilidad sa pangunguna ni Provincial Director PCol. Jeff E. Fanged at pakikiisa nina Pangasinan Governor Ramon “MonMon” Guico, III, Regional Director PBGen. Lou F. Evangelista, at mga non-uniformed personnel.

--Ads--

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Pangasinan Governor Ramon “Monmon” Guico, III, na ang naturang gawain ay isang magandang proyekto na nagpapakita ng pagpaprayoridad sa mga anak ng pulis na nagtatrabahp sa kampo upang matiyak na ang mga tio ay nasa maayos na kalagayan at upang makapag-focus ang mga ito sa kanilang trabaho.

Aniya na kahit hindi man ito ang pinaka-prayoridad ng kapulisan, isa naman ito sa mga pamamaraan ng pagpapakita ng epektibo at magandang relasyon nila sa komunidad sa pamamagitan ng Police Community Relation.

Kaugnay nito na ipapaugnay nila ang Day Care Center na ito sa Department of Education at Provincial Social Welfare and Development para makatulong sa pagpapaunlad at bibigay ng kaalaman sa pangangalaga sa mga batang mag-aaral dito.

Samantala, ibinahagi naman ni PCol. Jeff E. Fanged para sa kaalaman ng iba na kung hindi ito nagkakamali ay ito ang kauna-unahang naipatayong pasilidad sa buong Pilipinas na naipatayo sa pamamagitan ng pagpupursigi at pakikipagtulungan ng mga taong nasa likod ng Day Care Center.

Aniya na nasa mahigit P2-milyon ang nagastos para sa naturang proyekto dahil hindi nila tinipid ang mga ginamit at inilagay na materyales. Dagdag ap nito na naggaling ang kanilang ginamit na pondo sa mga fund raising, mga stakeholders gaya ng mga opisyal ng bayan o lungsod sa lalawigan, pilantropo, mga Chief of Poilce kasama na ang ilan pang mga police personnel, at iba pang nagdonate na mga sibilyan.

Saad pa nito na ang pasilidad ay may kapasidad na 20 kung saan ang mga batang maaaring mag-aral ay nasa edad 4 hanggang 6-taong-gulang habang prayoridad naman ang mga anak ng mga pulis na nagtatrabaho sa kampo at para mamaximize, kapag hindi nabuo ang 20 ay maari naman umano pumasok dito ang mga batang anak ng sibilyan malapit sa lugar.

May mga 4 na umanong mga personnel ng kapulisan na nagtraining para makapagturo dito kung saan ang isa dito ay retired na sa serbisyo ngunit boluntaryo itong magturo para sa mga bata.

Samantala, susundin umano nila ang Department of Education Modules and Curriculum at araw ng pasok ng mga ito kaya nakikipag-ugnayan na din sila dito para maayos na ang accreditation para dito.