DAGUPAN CITY- Patuloy ang paghihikayat ng Commission on Election Binmaley na magparehistro ang mga residente ng kanilang bayan sa nalalabing 3 buwan ng pagpaparehistro.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Estrella Cave, Election Officer ng Commission on Election Binmaley, mula Pebrero hanggang sa kasalukuyan, mayroon lamang bilang na halos 2,000 ang nagpaparehistro, kabilang na dito ang nagpa-reactivate, correction, tranferred, at new registrants.
Patuloy din ang makikipagtulungan nila sa mga barangay officials upang masabihan ang kanilang nasasakupan sa schedule ng pagpaparehistro.
Kaugnay nito, marami aniya silang naitalang nagparehistro sa Barangay Baybay Lopez dahil din sa mga pag-update ng records ng mga senior citizens.
Inaasahan din nila na pagdagdag ng mga pinadalhan nila ng kasulatan upang magpare-activate.
Gayunpaman, umaasa pa ang kanilang komisyon na marami pang magpaparehistro sa mga hindi pa natatapos na mga barangay.
Aniya, marami-rami din ang nagpaparehistro sa Inter-Pangasinan kaya malapit na din maabot ang target ng kanilang komisyon.
Samantala, patuloy na bukas ang kanilang opisina sa mga nais pang magparehistr, gayundin ang kanilang Satellite registration tuwing sabado upang bigyan daan ang mga may trabaho.
Siguraduhin lamang na madala ang mga kinakailangan na dokumento upang maging maayos ang daloy ng pagpaparehistro.