BOMBO RADYO DAGUPAN – Ikinababahala na ng Kilusang Mayo Uno ang patuloy na pagiging parte sa kultura ng politika sa bansa na magmula sa hinahawakang ahensya ang pondong gagamitin sa paghatid ng tulong para sa ikanakampanya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jerome Adonis, ang Secretary-General ng Kilusang Mayo Uno, kinakailangan nang maimbestigahan ang sinasabing pag gamit ng TUPAD Program ng Department of Labor and Employment para pirmahan ng mga kababayan ang dokumentong nagsasaad umano ng pag sang-ayon nila sa pagpalit ng konstitusyon.

Aniya, marami na din sa mga pumirma sa nasabing people’s iniative sapagkat hindi naman anila naintindihan ang layunin ng pinirmahang dokumento sapagkat hindi naman malinaw ang pagpapaliwanag nito.

--Ads--

Marahil wala din tiyagang bigyan ito ng linaw sa pagpipirmahin sapagkat tunay namang kaduda duda ang kanilang ninanais.
At aniya, dahil dito, hindi nagiging buo ang tiwala ng taong bayan sa gobyerno.



Samantala, natukoy na din ang mga hinihinalang mga politikong nagpapapirma sa taong bayan para sang ayunan ang pagpapalit ng konstitusyon.

Aniya, dahil ilang taon na din itong hindi sinang ayunan ng senado kaya naman ay inilalapit na nila sa taong-bayan.

Ikinalulungkot naman ni Adonis na papalalain lamang ng Charter Change ang kahirapan sa bansa dahil mas malaking posibilidad na gamitin lamang ng mga politiko ito para sa pansariling kapakanan.

Dagdag pa niya, kaysa isulong ang CHA-CHA sa bansa, mas mabuting umpisahan nalang itaas ang sahod ng mga manggagawang Pilipino, ibangon ang ekonomiya ng bansa, aralin mabuti ang Public Utility Vehicle modernization program, at pag laanan ng pondo ang line up services ng bayan.