Dagupan City – Target ng Dagupan City Commision on Election na mapanatili ang bilang ng nasa 140,000 na mga botante sa kanilang syudad.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay atty. Michael Frank Sarmiento, Dagupan City Election Supervisor, bago pa man magbukas ang rergistration ay umabot na sila sa 140,000 ngunit nabawasan ito dahil na rin sa mga inalis sa listahan, kung kaya’t bumaba ito sa 135, 000 voters.
At nito lamang taon, unti-unti na ring nanunumbalik ang bilang ng mga botante sa syudad, dahil na rin sa mga bagong nagpaparehistro gaya na lamang ng; mga edad nasa 18 taong gulang na hindi nakapag-parehistro noong Barangay and Sangguniang Kabataan Election, mga Overseas na nais manumbalik bilang local voter, at mga nais magtransfer.
Bagama’t huminto ang kanilang transaksyon nitong kalagitaan ng abril hanggang mayo dahil sa mataas na heat index sa lalawigan, binigyang diin naman ni Sarmiento na mabilis pa rin ang nagighing transaksyon sa kanilang isinasagwang satelite registraation at sa katunayan ay pumalo sa higit 4,000 mga botante ang naitala kahapon (Mayo 20, 2024).
Samantala, nanawagan naman ito sa publiko na huwag nang antayin pang sumapit ang deadline upang maiwasan at maagapan ang posibleng aberya ng registration.