Mahalagang mapanatili ang kalinisan sa kapaligiran para sa mga magsasagawa ng alay lakad at visita iglesia.
Ayon kay Thony Dizon Campaigner, Ban Toxics panguhaning problema parin ang mga basurag naiiwan sa sagradong lugar pagkatapos ng mga ganitong gawain.
Aniya na dapat sa dinadaanan pa lamang ay marami ng mga nalilikhang basura kaya’t sana ay maging maingat ang mga grupo o mga indibidwal na magsasagawa nito.
Bukod dito ay mainam na mapanatili ang katahimikan, pananampalataya at kalinisan dahil hindi lamang ordinaryong lugar ang mga ito.
Kaugnay nito upang makabawas sa nalilikhang bilang ng mga basura ay magdala na lamang ng inuming tubig o magbaon na lamang ng mga pagkain.
Lalo na at suliranin ang climate change na siyang dahilan kung bakit numinipis ang ozone layer dulot naman ng polusyon at greenhouse gas emission.
Kaya’t paalala nito na gumawa na lamanh ng maaaring gawin upang maiwasan ang pagkalat at pagtatapon ng basura.