DAGUPAN CITY- Iminungkahi ng Waste Management Division ng Dagupan City ang pagpapaigting sa ipinapatupad na waste management sa syudad upang mapanatili ang kalinisan at pagpasok ng turista.
Ayon kay Bernard Cabison, Head, Waste Management Division of Dagupan City, mungkahi nila ang pagkakaroon ng basurahan sa bawat stall sa baratilyo sa syudad ng Dagupan bilang alinsunod sa Ordinance no. 1929-9.
Para mapanatili ang maayos na kalinisan, kinakailangan na may dalawang uri ng basurahan ang mga ito na naghihiwalay sa nabubulok at hindi nabubulok.
Bukod pa sa proper segregation, dapat din aniya ipagbawal ang pagsusunog ng mga basura. Gayundin sa pag-ihi at pag-dura sa kung saan-saan.
Sa pamamagitan na ito ay patuloy ang pagpasok ng mga bibisita sa syudad, lalo na ngayon nalalapit ang holiday season.
Nabanggit pa ni Cabison na malaking tulong ito sa waste management sa syudad.
Makakaiwas pa sa pagbaho ng mga basura dahil hindi na ito halo-halo.
Dagdag pa niya, iminungkahi rin niya ang pagkakaroon ng portalet o portable toilet sa Malimgas Market.










