Sa gitna ng kontrobersyal na pagpapalit ng liderato sa Senado, tiniyak ni Atty. Edward Chico, isang law professor at political analyst, na magpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ukol sa umano’y ghost flood control projects.

Ayon kay Atty. Chico, mas magiging mabisa pa nga ang pag-usad ng imbestigasyon sa ilalim ng bagong pamumuno ng Senate Blue Ribbon Committee sa pangunguna ni Senador Panfilo “Ping” Lacson.

Aniya mas bukas si Lacson sa pagpapatuloy ng imbestigasyon sa mga flood control project, lalo na sa mga sinasabing ‘ghost projects’ na kinasasangkutan ng Discaya couple.

--Ads--

Giit pa niya, napakahalaga na ma-address ang isyu, lalo na at may mga pangalan nang inilalantad sa publiko.

Binanggit din nito ang umano’y substandard na kalidad ng mga proyekto ng mga nasasangkot.

Kaya’t sa kasong ito, mahirap talagang ilusot ang mga sablay na proyekto kung kayat madalas ang tendency ay magtuturo ka na lamang ng iba.

Samantala, hindi rin nagulat si Atty. Chico sa biglaang pagpalit ng liderato sa Senado.

Ayon sa kanya, karaniwan na ito sa sistemang pulitikal ng bansa.

Gaya na lamang sa Senado na tila labanan ng konsesyon at kapangyarihan.

Mariing binanggit din niya na maaaring tapos na ang panahon ni dating Senate President Sen. Chiz Escudero, na isa rin sa mga sentro ng kontrobersya.