DAGUPAN CITY- Ikinabahala ng Federation of Farmers ang pag-anunsyo ng Department of Agriculture (DA) hingging sa pagpapalawig pa ng P20 per kilo rice program.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Leonardo Montemayor, Chairman ng nasabing grupo, aniya, ikalulugi lamang ito ng mga lokal na magsasaka dahil kalahati pa sa P20 ang magiging presyo ng mga palay na bibilhin sa mga ito.

Aniya, magiging katumbas nito sa palay ay humigit-kumulang P10 kada kilo na binibili ng National Food Authority (NFA) at kulang ito para makabawi sa mga ginastos sa pagtanim at pag-ani.

--Ads--

Lingid din sa kaalaman ni Montemayor na nagkaroon ng konsultasyon ang DA sa mga magsasaka bago ipatupad ang nasabing programa.

Gayunpaman, nakasaad sa Magna Carta for Small Farmers ang pagkakaroon ng konsultasyon bago ipatupad ang isang mahalagang batas.

Mungkahi naman niya na upang makinabang ang mga konsyumer at magsasaka ay magarantiya ng pamahalaan ang Floor Price para sa presyo ng binibiling palay ng gobyerno.

Dapat din maresolba muna ng NFA ang kanilang problema sa storage at kakulangang budget para sa pondo ng programa.

Isang malaking katanungan na ipagpapatuloy ito hanggang 2028 kung bilyon halaga ng pera ang kailangan para mapanatili ito.

Bukod pa riyan, pahirap pa sa mga magsasaka ang pagiging strikto ng NFA para maibenta ang kanilang produkto.