BOMBO DAGUPAN – Sa inilabas na datos ng International Monetary Fund (IMF) ay inaasahan ang Pilipinas bilang fastest growing economy sa Southeast Asia at pumapangalawa sa Asya sa susunod na dalawang taon.
Ayon kay Sony Africa Executive Director, Ibon Foundation na ang pinakamalaking problema sa nasabing pagsusuri na ito kung hindi naman nararamdaman ng ordinaryong pilipino aniya ay hindi dapat ito ikatuwa.
Bagamat kung opisyal lamang na tally ng kahirapan ang pagbabasehan ay maaaring ikalawa ang bansa sa pinakamahirap dahil kung titingnan ay walang sapat na trabaho at sapat na kita ang bawat pilipino.
Pagbabahagi niya na ilang taon nang sinasabi na isa ang bansa sa may pinakamabilis na economic growth subalit hanggang ngayon ay wala namang nakikitang pagginhawa at pag-unlad sa bansa.
Aniya na kung mas malusog at masigla lamang ang lokal na produksiyon ng pagkain sa bansa ay aangat ang buhay ng bawat ordinaryong Pilipino.
Samantala, kung bibigyan niya ng grado ang naging performance ng pangulo sa nagdaang taon ng panunungkulan ay bibigyan niya lamang ito ng 2 o 3 puntos ngunit kung tinanggap lamang ng Pangulo ang mga problema sa bansa at binigyang solusyon ito ay maaari niya itong bigyan ng grado na 4 o 5.
Nananawagan naman ito sa nalalapit na State of the Nation Address ng pangulo na sana’y bigyan ng totoong solusyon ang mga malalaking problemang kinakaharap ng bansa.