Dagupan City – ‘Palakasin ang pwersa ng Philippine Coast Guard.’

Ito ang binigyang diin ni Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst, sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa kaniya patungkol sa inilabas na kautusan ng MalacaƱang kung saan pinalalakas umano ang maritime domain awareness at maritime security ng Pilipinas at sa naging utos din ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mas patatatagin pa ang koordinasyon ng maritime security ng bansa laban sa mga seryosong banta sa territorial integrity at kapayapaan sa naturang pinag-aagawang teritoryo.

Ayon kay Yusingco, dapat ipanawagan ng publiko sa mga mambabatas at itulak ang mga ito na kumilos na, dahil may mga proseso pa na pwedeng gawin pagdating sa pagpapalakas ng maritime defense, at huwag nang hayaang umabot pa ito sa emergency measures.

--Ads--

Aniya, sa kasalukuyan kasi ay malinaw na may magagawa pa rin ang kongreso at ito ay ang pag-aallocate ng pondo at budget para tugunan ang kailangan ng pwersa.

Samantala, binigyang linaw naman ni Yusingco na ang ginawa ng dating pangulo na si Rodrigo Duterte ay maituturing na isang potensyal na probisyon ng anti-graft law, dahil malinaw na hindi ito pabor sa national interest ng bansa.

Nauna naman nang nilinaw ni Yusingco na ang mga napapaulat na nangyayari sa West Philippine Sea ay isa ring taktika ng China upang lituhin ang mga publiko partikular na ang mga Pilipino at magkaroon ng pagdududa na siyang dapat iwasan upang hindi magtagumpay ang China.