Dagupan City – Bilang paghahanda sa nalalapit na local at National election 2025, puspusan ang ginagawang paghahanda at pagpapakilala ng Comelec Alaminos sa gagamiting automated counting machine at mga mahalagang ambag ng bawat botante sa halalan.
Ito ay dinaluhan ng iba’t ibang ahensya sa bayan tulad na lamang ng Alaminos City police station, BFP personnel, mga kawani ng Pamahalang lokal, iba’t ibang ahensya at mga sector, na pinangunahan ni Election Officer IV Miguel Bautista Jr sa isinagawang Joint City Peace and Order Council (CPOC) at City Anti-Drug Abuse Council (CADAC) 1st Quarter Meeting na isinagawa sa Don Leopoldo Sison Convention Center. Sa kaganapang iyon, tinalakay ng mga tauhan ng COMELEC Alaminos City ang mga dapat tandan at ipinagbababwal sa darating na Halalan.
Bukod dito nagsagawa rin ng Automated counting Machine Demonstration roadshow kung nasubukan ng mga dumalo ang pagproseso ng kanilang mga balota.
Lubos naman ang pasasalamat ng Comelec Officer sa pakiisa ng bawat dumalo sa kanilang isinagawang aktibidad upang matiyak ang mabilis at madaling pagproseso ng halalan sa Mayo.
Ito rin ay mahalaga upang matulungan ng bawat botante na maging pamilyar sa ACM at ang kanilang tiwala.
Bukod dito isang komprehensibong ulat at presentasyon ng mga nagawa ang inilahad din ng iba’t ibang miyembro ng konseho kaugnay sa kolektibong estado ng kapayapaan at kaayusan sa lungsod para sa Joint City Peace and Order Council (CPOC) at City Anti-Drug Abuse Council (CADAC) 1st Quarter Meeting.