Nilinaw ng pamunuan ng San Roque dam na walang kinalaman ang pagbubukas ng nasabing dam sa nararanasang pagbaha sa ilang mga bayan sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Maria Teresa Serra, ang Flood Operation Manager ng San Roque Dam Office, napakaliit ng pinapakawalang tubig ng nasabing Dam upang magdulot ng pagbaha.
Aniya, nakatanggap ang opisina ng concerns ukol sa pagbaha dulot daw ng paglalabas ng tubig ng dam pero agad naman nilang nilinaw na ang tubig galing dito ay hindi na makakarating sa lungsod ng Dagupan, dahil napakalayo nito sa Agno River.
Idiniin niya na ang pagbahang nararanasan ngayon ay dahil sa masamang panahon, at hindi dahil sa pagpapakawala ng tubig mula sa dam.
Sinasalo na kasi ng San Roque dam ang mga tubig galing sa ilan pang mga nakabukas na mga dam.
Sa ngayon ay hindi na magdadagdag ng bubuksang gate ng dam ngunit, nakadepende pa rin sa pag-ulan ng ang pagsasara nito.