May mabigat na pananagutan ng mga indibidwal sa pagkalat ng sex videos, kahit may pahintulot man o wala.

Yan ang binigyang diin ni Atty. Francis Abril, Legal Consultant at Political Analyst, aniya, may mga couples na nagre-record ng kanilang relasyon, subalit hindi dapat ito ikalat.

Kapag ang isang panig ay hindi pumayag na ma-publish ang video, maaaring magkaroon ng civil cases laban sa nagpakalat.

--Ads--

Maaari ring parehong panig ang maging biktima depende sa sitwasyon.

Sa criminal aspect, pinaiigting ng batas laban sa unauthorized photo at video sharing ang parusa, lalo na kung mayroong paninikil, pagbabanta, o panghihingi ng pera kapalit ng hindi pagkalat ng video.

Aniya rin, mas tumitindi ang pananagutan kapag may kasamang degrading captions o iba pang mapanirang teksto na naglalagay ng reputasyon ng biktima sa panganib.

Bilang payo, hinikayat ni Abril ang mga indibidwal na mag-move on at igalang ang privacy ng dating partner.

Kung talagang minahal ang isang tao, hindi dapat gagawin ang ganitong uri ng manipulasyon.