Dagupan City – Taktika lamang ng China ang pagpapakalat ng false narrative sa Pilipinas para mapahina ang pagkakaisa ng bansa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst, sinabi nito na layunin ng mga sinasabing paninira ng China laban sa bansa na maalis ang kooperasyon t mabuwag ang ‘unity’ ng bansa.

Kapag nangyari kasi aniya ito ay tiyak na hihina ang pwersa ng Pilipinas particular na ng mga nasa pwersa.

--Ads--

Samantala, nauna nang nilinaw ni Yusingco na ang ginagawang aksyon ng Philippine Coast Guard ay hindi kaduwagan, kundi isang katapangan. Kapag kasi aniya sinunnggaban nila ang China Coast Guard ay hindi lang mga nasa navy ang madadamay kundi gano’n na rin ang mga inosensting indibidwal o ang publiko sa bansa.