DAGUPAN CITY- Hindi man sapat ang bilang ng mga kapulisan sa lalawigan ng Pangasinan para mabantayan ang 1,399 na public schools at 250 private schools, nagawan ito ng maganda at maayos na deployment ng Provincial Director ng kapulisan ng lalawigan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PCapt Renan Dela Cruz, Public Information Officer ng Pangasinan Police Provincial Officer, kabilang sa kanilang nakasama ang mga police multiplier at advocacy groups.

Naging mapayapa naman aniya ang unang araw ng pagbubukas ng mga eskwelahan kaya pinaiigiting pa nila ang seguridad sa mga paaralan upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa.

--Ads--

Naglunsad din sila ng mobile patrol, maging sa loob ng paaralan.

Hindi lamang nakapwesto ang mga ito sa gate kundi naglilibot din sa loob ng paaralan.

Saad pa ni Pcapt. Dela Cruz na magtutuloy tuloy ang programa nila sa pagtitiyak ng seguridad sa bawat paaralan hanggang sa pagtatapos ng School year na ito.

Samantala, dumagsa man ang mga sasakyan sa unang araw ng pasukan, naging kaagapay din ng kapulisan ang mga opisyal ng bawat barangay upang magkaroon ng maayos na daloy ng trapiko.

Nagpaalala naman si Dela Cruz na iwasan ng mga mag-aaral na makipag usap sa hindi nila kilala.

At kung may lumapit sakanila, agad na tumakbo sa mga kanilang mapagkakatiwalaan upang maiwasan ang hindi inaasahan na insidente