DAGUPAN CITY- Maituturing na isang simbolo ng paggalang sa laban ng ating mga bayani para sa kalayaan ang pagpapahalaga sa watawat ng Pilipinas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, binigyang-diin ni Michael Charleston “Xiao” Chua, isang historian, ang kahalagahan ng watawat ng Pilipinas bilang simbolo ng ating kasaysayan at kalayaan.

Aniya, ang watawat ng Pilipinas ay hindi lamang isang piraso ng tela, kundi isang makulay at makulay na kasaysayan ng ating mga ninuno.

--Ads--

Dagdag niya, ang bawat kulay nito ay may malalim na kahulugan, ang pula ay sumasagisag sa dugo ng mga bayani, ang asul ay kumakatawan sa pag-unlad.

Mahalaga aniya ang mga sakripisyo ng mga bayani, at bilang mga mamamayan, kailangan natin itong pahalagahan at magsikap upang maging mabuting tao at makatarungang mamamayan ng bansa.

Pinaalalahanan din ni Chua ang publiko tungkol sa tamang paggamit ng watawat.