Pagpapagaan sa mga gawain ng mga mag aaral sa kanilang klase ang nakikitang solusyon ng Action and Solidarity for the Empowerment of Teachers (ASSERT) para maibsan ang nararanasang academic stress at emotional turmoil ng mga estudyante.
Ayon kay Arlene James Pagaduan, Presidente ng Action and Solidarity for the Empowerment of Teachers (ASSERT) Central Luzon, isa sa nakikita nilang dahilan ng naitatalang mga insedente sa mga eskwelahan na kinasasangkutan ng mga estudyante ay ang academic stress at emotional turmoil.
Sa usaping academic stress ay nasisisi ang guro sa pagpapagawa ng sobra sobrang requirements o gawain sa klase gayung ipinapatupad lang ng guro ang nirerequire din ng sa academic learning
Dahil dito, kailangan na pagtuuunan ng pansin kung paano pagagaanin ang learning loads ng mga mag aaral dahil kailangan din ng pahinga ng mga bata dahil napapagod din buong araw sa dami ng inaaral at sinusulat.
Hindi na kasi tulad noon na hinahati hati ang subjects sa mga araw kung kayat magaan ang pakiramdam ng mga mag aaral.
Magugunita, nito lamang buwan ng Agosto ay isang Grade 11 na estudyante sa Lanao del Sur ang binaril ang kanyang guro sa labas ng paaralan sa Balabagan Trade School, dahil binagsak habang sa Nueva Ecija isang dating estudyante, edad 18, ang nabaril ang kanyang ex-girlfriend, 15 anyos, sa loob ng silid-aralan ng Santa Rosa Integrated School, bago siya nagpatiwakal. at isa namang mag aaral ang binugbog sa Iligan City, Lanao del Norte.