DAGUPAN CITY- Nagkararoon ng talakayan sa 2nd Philippine Salt Congress sa Pangasinan State University sa bayan ng Lingayen hingil sa industriya ng asin at agrikultura.

Sa dalawang araw naaktibidad, may 7 panauhin ang magbibigay ng kani-kanilang diskusyon at pag-uusapan ang mga talakayan patungkol sa Philippine Salt Industry Development Act at sa iba’t ibang programa at proyekto.

Layunin ng Salt Congress na magbigay pansin sa mga issue at oportunidad na may kaugnayan sa mga industriya sa bansa.

--Ads--

Sa pamaamgitan din nito ay nahahanap ang solusyon sa mga problema tulad sa kalidad ng asin, pagtaas ng produksyon, at pagsugpo sa smuggling at paggamit ng iodized salt.

Maliban pa sa mga iyan, napag-usapan din ang mga pamamaraan upang matiyak ang pangmatagalang suplay ng mataas na kalidad ng asin at proteksyon sa mga yamang dagat at kalikasan.