--Ads--

Pagpalya ng Circuit Breaker  ang tinitignang anggulo ng Bureau of Fire Protection o BFP Dagupan na sanhi ng sunog kahapon sa likod ng Malimgas Public Market  sa bahagi ng Nueva Street dito sa lungsod ng Dagupan na tumupok sa 17 stalls ng mga RTw at  prutas.

Sa ekslusibong panayam ng bombo radyo Dagupan kay FO1 Andrew Pasana investigator – BFP Dagupan,  ang  pumalyang circuit breaker ay nasa stall number 7 na pag aari ng isang Mary Nardo.

Ayon sa kuwento ng may ari,  natutulog siya  sa mga oras na yun at  nagsing lamang siya dahil nagsisigawan sa labas.

Nakita niyang nasusunog na ang kanilang  circuit breaker.

Nabatid na sa kabuoang 17 stalls, 14 ang may ari nito.  

atatandaan na umaabot sa 17 stalls ang natupok ng apoy na ayon sa ulat ng BFP Pangasinan ay aabot sa P4 million ang naitalang danyos.

Kahapon ay dalawa ang naitalang sunog sa ciudad , noong umaga ay sa  barangay Mayombo na ikinasawi ng isang senior citizen at sa hapon ay mga stalls naman ang nasunog.