BOMBO DAGUPAN – Inaasahan na walang masyadong disruption na mangyari lalo na sa mga listahan ng mga priority bills dahil sa change of leadership sa senado
Yan ang pagbabahagi ni Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan sakanya.
Aniya na dapat lahat ng napagkasunduan noon ay hindi madisrupt at mahalaga na maprioritize ang mga bills o batas. Dagdag pa niya na hindi maganda kung ang mga liderato ng mga chambers ay nagbabangayan o hindi nagkakasundo.
Samantala para naman sa ongoing na public hearing sa senado ukol sa economic charter change, aniya na dumadaan sa tamang proseso ang senado kaya’t kung plano nilang isabay ito sa 2025 election ay dapat ang resolusyon ng amendment ay maipasa ng Pebrero sa susunod ding taon.
Aniya “we have to wait and see” sa kung ano ang magiging desisyon ng mga lider ng bawat chambers at kung seryoso ba sila sa pagtutulak ng nasabing charter change.