Ballistic missile

Nagdulot ng malaking epekto sa Japan ang pagpakawala ng ballistic missiles ng North Korea na dumaan sa isla ng Japan.

Ayon kay Hannah Galvez, bombo international correspondent sa Japan, naalerto ang kanilang bansa dahil sa pagdaan ng missile sa northern Japan bago ito tuluyang bumagsak sa Pacific Ocean.

Aabot sa 4,600 kilometers ang distansya nito na may taas na 1,000 kilometers at bilis na Mach 17 na ang ibig sabihin ay 17 beses na mas mabilis kaysa sa anumang tunog.

--Ads--

Aniya, nagulantang ang maraming residente lalo na sa bahagi ng Hokaido, Japan matapos maglabas ng advisory ang otoridad na sila ay magtungo sa basement.

Kaagad umanong nanood ng tv ang mga tao para makakuha ng update,maraming humintong biyahe ng sasakyan at inalerto maging ang mga mangingisda na nasa laot .

Matatandaan na huling nagpakawala ang North Korea na dumaan sa Japan ay noong 2017.

Ito na ang pang-23 missile launch ng North Korea ngayong taon at karamihan dito ay ballistic missiles.

Itinuturing na ang pinakahuling missile launch ng North Korea na kakaiba dahil sa kadalasan ay dumidiretso ito sa katubigan at bihira ang dumaan sa ibabaw ng bansa.