DAGUPAN, CITY— Iniimbestigahan na ng mga kapulisan ang naiulat na pagnanakaw ng isang pison sa bayan ng Binalonan.
Ayon kay PMaj. Arturo Melchor Jr., tagapagsalita ng Pangasinan PPO, Mayo 30 nang maipagbigay alam sa Binalonan PNP ang naturang insidente at base sa kanilang inisyal na imbestigasyon ang naturang pison ay nagkakahalaga ng 1.2 million at ginagamit sa isang contruction site.
Aniya, madalas na iniiwan na ng mga manggawa ang naturang pison tuwing gabi at weekend kung kaya’t dito na umano nakakuha ng pagkakataon ang mga nasa likod ng insedente upang makuha ang nabanggit na equipment.
Subject for investigation din umano ang driver ng pison dahil na rin sa siya ang huling gumamit nito.
Napag-alaman din na inilagay sa isang boom truck ang pison dahilan upang ito ay matangay ng suspek. Hindi rin umano ikinoordina ng mga manggagawa sa construction site na ipabantay sa mga pulisya ang kanilang mga kagamitan kung kaya hindi na rin umano nakapagpatrolya ang mga pulis sa lugar upang hindi sana ito makuha ng mga magnanakaw.
Gayunpaman, nagpaalala na lamang si Melchor na sa oras na may mga iniiwang gamit sa isang site, ay kailangan lamang na makipag-uganayan sa mga nakatalagang mga pulis sa lugar upang masiguro na makakapagpatrolya sa lugar at upang maiwasan na rin ang mga ganitong klase ng insidente.