DAGUPAN CITY–Pagnanakaw ang nakikitang motibo ng kapulisan sa ginawang pananaga sa isang 64 anyos na lolo sa loob ng kaniyang bahay sa bayan ng Villasis Pangasinan.

Taga sa ulo, batok at balikat ang tinamo ng biktimang si Rudy Manabat na residente ng Brgy Tombod .

Ayon sa imbestigasyon ng kapulisan posibleng umakyat ang mga suspek sa bakod kaya nakapasok sa loob ng tahanan ni Manabat.

--Ads--

Pinaniniwalaang nasa 80,000 ang nawawala sa biktima kasama na rito ang kita ng kaniyang tindahan.

Napag-alaman na pinagnakawan na rin ang biktima noong 2016.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng kapulisan sa naturang insedente.