BOMBO DAGUPAN – Dapat hangaaan ang sarili ng mga Pilipino dahil maraming wika sa bansa na kanilang naiintindihan.
Ayon kay Eufemio Agbayani III, Historical Sites Researcher ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP), sa panayam sa kanya ng bombo radyo Dagupann, marami sa ating mga Pilipino ay hindi lamang bilingual kundi trilingual na isang sukatan ng talino.
Ito ay dahil kumpara sa taga ibang bansa na basic English na nga lang ang gamit at ito na lang ang wika na inaaral nila ay minsan ay palpak pa.
Giit niya na ang wikang Pilipino ay wika ng matalino, wika ng intelektuwal at propesyunal.
Kaya payo niya na kapag dayuhan ang kausap ay saka sila kausapin ng ingles pero kung Pilipino naman ang kausap ay kausapin ng sariling wika.
Sa pagpunta sa ibang bansa, panawagan ni Agbayani na huwag umanong kalimutan ang sariling wika.