FIRST SONA
Pres. Ferdinand Marcos Jr.

Dagupan City – Nagresulta lamang sa malaking katanungan sa publiko ang ginagawang pagmamadali ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Senado ang pagpasa sa panukalang 2025 national budget.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst, hindi ito dapat na gawin dahil mayroong 3 proseso ang batas sa bansa hinggil dito.

Matatandaan na pinamamadali ng pangulo sa Senado ang pagpasa sa panukalang 2025 national budget.

--Ads--

Kung saan kasalukuyang nagsasagawa ang Senado ng marathon plenary debate sa panukalang P6.352 trillion budget para sa susunod na taon.

Binigyang diin ni Yusingco na magreresulta lamang ito na huwag sumunod sa patakaran at magdudulot ng pangamba sa civil society na maaring may kababalaghan sa pamahalaan sa pagmamadali sa pagpasa ng budget.