BOMBO DAGUPAN- “Sana magkaroon ng resolusyon itong planong pangblacklist at sana magkaroon ito ng epekto.”
Yan ang pagbabahagi ni Argel Cabatbat Chairman, Magsasaka Partylist kaugnay sa paglagay ng Department of Agriculture (DA) sa blacklist ang ilang mga importers dahil diumano sa smuggling.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan aniya na dahil sa smuggling ay lumulusot ang mga produkto na hindi sigurado kung ligtas kainin, kabilang na din ang madaming sakit na dala nito lalo na sa mga hayop katulad na lamang ng african swine fever at birdflu na naging laganap sa bansa.
Binigyang diin din niya dahil hindi pa talaga tayo equipped para sa pag-inspect ng mga dumadating na produkto ay madami talaga ang nakalulusot. Kung tutuusin aniya ay hindi sila nagbabayad ng taripa o tax kaya’t pinagkakakitaan na lamang ng gobyerno ang ipinapasok na mga agricultural products dito.
Kaugnay nito, dapat aniya ay magkaroon ng batas na magrerequire sa sinoman na nagbebenta ng produktong agrikultural kung local ba ito o imported na produkto upang matukoy ng mga consumers kung alin sa dalawa kanilang bibilhin. Dahil ani Cabatbat ay mas healthy parin kainin ang mga local products.
Samantala, kahit hindi pa man naisasabatas ang executive order no. 62 o ang pagbaba ng taripa ng imported na bigas ay magdudulot ito aniya ng pagbagsak ng presyo ng palay at konti nalang ang magiging pondo ng mga magsasaka dahil sa pagbaba ng taripa.
Bagama’t ang presyo ng palay ay bababa ngunit ang presyo ng bigas ay mananatiling mahal pa rin dahil wala namang batas na magsasabi sa mga importer na ibaba ang presyo nito.
Nananawagan naman ito na dapat ipagtatanggol natin ang ating food sovereignty at dapat hindi lang nakadepende sa mga imported na produkto.