Dagupan City – Paglulunsad ng Rice for All program na may initial target price range na nasa P45/kg hanggang P48/kg ng pinaghalong imported at local well-milled rice.

Ito ang target ngayon ng Department of Agriculture (DA) kung saan ay sinabi ni DA Assistant Secretary Arnel de Mesa na maaari itong isagawa sa ilalim ng P29 program expansion o ang pagbebenta ng nalulumang good-quality rice sa vulnerable sector sa tatlong karagdagang sites sa bahagi ng Navotas, at Marikina.

Kabilang na nga rito ang mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), senior citizens, solo parents, at persons with disabilities (PWDs). Kung saan ay maari nila itong mabili sa ilalim ng programa ng pamahalaan na Rice for All program na siyang ilulunsad naman sa mga lugar na may Kadiwa sites.

--Ads--

Kaugnay nito, nakatakda namang palalawakin ng departamento ang P29 program sa susunod na linggo na kinabibilangan ng mga karatig-lalawigan ng Metro Manila, kabilang ang mga lugar sa Cavite, Laguna, at Batangas.

Naunang sinabi ng Department of Agriculture na target nitong palawakin kapwa ang P29 at Rice for All programs sa Visayas at Mindanao sa August.

Nilinaw naman ni De Mesa na ang mga napiling lugar ay inisyal lamang dahil sa umiiral na Kadiwa sites at aktibong partisipasyon ng local government units (LGUs) sa Kadiwa program ng sektor ng agrikultura.

https://pilipinomirror.com/rice-for-all-aarangkada-na/