Matagumpay na nailunsad ang mga revitalized officers ng Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa Pangasinan noong Lunes, Oktubre 3, 2022 na ginanap sa Magilas Hall, Pangasinan PPO, Lingayen, Pangasinan – ito ang naging pahayag ni Dr. Emmanuel Dion, ang syang tumatayong Vice President ng naturang samahan sa naging panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan.


Binigyang-diin nito na katuwang nila ang kapulisan sa pagtataguyod sa kapayapaan at kaayusan ng komunidad. Saad pa nito ay nakapulong naman nila si PCOL. Jeff Fanged, ang tumatayong Provincial Director ng Pangasinan Police Provincial Office sa pamamagitan ng isang courtesy call kung saan ay kanilang napag-usapan ang pakikipagtulungan ng hanay ng kapulisan sa kanilang samahan sa pagtugon sa pagaayos at pagpapanatili ng kaayusan ng lalawigan.


Saad naman ni Dion na ikinagagalak niya ang malaking karangalan sa kanyang pagkatalagabilang Vice President ng Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict ng Regional President ng NTF-ELCAC Region 1.

--Ads--


Binigyang-diin naman ni Dion na sisiguraduhin naman ng kanilang hanay ang pagtulong sa komunidad partikular na ang pagtiyak na hindi mapapariwara ang mga kabataan sa kanilang landas.


Kaugnay nito ay magkakaroon pa ng susunod na pagpupulong ang Pangasinan PPO kasama ng kanilang hanay at iba pang ahensya ng Local Government Unit at gayon na rin ang iba’t ibang sangay ng Non-Government Units sa pagtulong sa pagpapaigting ng Task Force to End Local Communist Armed Conflict.


Ang Revitalized PNP KASIMBAYAN ay nagbibigay ng interplay sa tatlong mahahalagang sektor sa pamamagitan ng pagbabago ng mga miyembro ng PNP bilang community-based bridge builders upang madagdagan ang pakikilahok ng komunidad sa pag-iwas, pagpigil at paglutas ng mga krimen.


Upang selyuhan ang matatag na partnership sa pagitan ng PNP, Religious Sector at Community, isang Memorandum of Agreement ang nilagdaan sa aktibidad.


Nangako rin ang mga kalahok sa kanilang suporta sa pagpapatupad ng programa sa pamamagitan ng paglagda sa pledge of commitment. Ito ay para lalo pang mapalakas ang pagkakaisa ng iba’t ibang sektor ng komunidad sa pagpapakita ng Malasakit tungo sa Kaayusan, Kapayapaan at Kaunlaran na sinundan ng sabay-sabay na pinning ng KASIMBAYANAN pin buttons.