DAGUPAN CITY- Malaking tulong umano ang paglulunsad ng 20 pesos rice program sa lalawigan ng Pangasinan matapos ang Isinagawang Moa signing sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan katuwang ang Department of Agriculture kanina araw ng Martes.
Gaya ni Nanay Solidad mula sa bayan ng Binmaley,malaking tipid umano sakanila ang 20 pesos na bigas dahil walo ang bumubuo sa kanilang pamilya kaya naniniwala siyang mas malaki ang matitipid nila sa bigas.
Bukod sa mga pamilyang tulad ni Nanay Solidad, Hati naman ang opinyon ng ilang residente tungkol sa murang bigas.
Para kay Nanay Samvacion, malaking tulong ang 20-pesos na bigas sa mga hindi nakapagsasaka sa kasalukuyan dahil nakakatipid sa pamimili.
Subalit, naniniwala rin siyang maaaring malugi ang ibang magsasaka kung magpapatuloy ang programang ito, dahil posibleng mabili rin ng mura ang kanilang inaaning palay.










