DAGUPAN CITY- Manipestasyon umano ng matagal nang kapabayaan sa sektor ng edukasyon ang paglobo ng bilang ng mga Pilipino na ‘functionally illiterate’.
Ayon kay Ruby Bernardo, National Chairperson ng Alliance of Concerned Teachers – Philippines, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, ang 28.4 Million bilang ng mga ito ay bunga ng pagdami ng mga drop out students dulot ng kahirapan at napabayaan suporta sa edukasyon.
Aniya, ang pagiging ‘functional illiterate’ ay hindi lamang sakop ng hindi marunong magsulat, magbasa, at magbilang kundi kabilang din kung paano magagamit ang ito sa pang-araw araw na buhay.
Ito ang dapat pagnilayan ng Department of Education (DepEd) sa pagpili ng tamang curriculum para matugunan ito.
Kung hindi rin kase suportado ng gobyerno ang education system ng bansa ay wala rin magagawa ang kanilang buong effort sa pagtuturo.
At kung ‘Aral Program’ lamang ang ihahain na solusyon ng DepEd ay karagdagang work loads lamang ito sa mga guro ang pag-tutor subalit hind naman sila nabibigyan ng overtime pay at extra pay.
Giit ni Bernardo, dapat na itong seryosohin ng gobyerno dahil lumalabas lamang na sa kurapsyon nagkakapera at hindi sa edukasyon.
Kung naisakatuparan lamang ang mga proyektong karagdagang silid-aralan ay makakatulong ito sa pagtugon sa umiiral na ‘learning gap’ sa edukasyon ng bansa.
Mungkahi niya sa DepEd officials na pakinggan ang kanilang hamon na makinig sa kanilang mga stakeholders upang buong malaman ang pangangailangan.










