Tinatayang umabot sa P200,000 ang estimated amount damage sa naging pagliyab ng isang SUV sa barangay Dilan Paurido sa Urdaneta City.

Ayon kay Chief Inspector Jhun Eland Wanawan, ang OIC Provincial Fire Mashal, Bureau of Fire Protection Pangasinan, kasalukuyan pa ring sumasailalim sa imbestigasyon ang naging dahilan ng pagkasunog ng sasakyan.

Hinala naman nila na posibleng ang wirings ang pinagmulan ng sunog dahil ayon sa ulat, kalalabas lamang umano ng SUV galing sa isang pagawaan sa Villasis, Pangasinan kung saan pinagawa umano ng may-ari ang faulty wirings ng kaniyang sasakyan.

--Ads--

Pagbabahagi pa ni Wanawan na taga barangay San Vicente sa parehong syudad ang may-ari ng SUV.

Kaugnay niyan wala naman aniyang naitalang nasugatan o namatay sa nangyaring pagliyab ng sasakyan.

Aniya hindi umano ito ang pinakaunang insidente ng pagliyab ng sasakyan sa Urdaneta City kaya’t nagbigay ito ng paalala sa publiko na mariing siguraduhin na maayos ang technical wirings ng sasakyan dahil ito madalas ang nagiging dahilan kung bakit nagkakaroon ng naturang insidente.

TINIG NI CINSP. JHUN ELAND WANAWAN