DAGUPAN, CITY— Maituturing na isang WELCOME MOVE sa parte ng mga guro sa bansa ang desisyon ng Department of Education (DepEd) na ilipat sa Oktubre 5 ang pasukan ng mga mag-aaral ngayong taon mula sa naunang anunsiyo ni Education Sec. Leonor Briones na magsisimula sana sa nalalapit na Agosto 24.
Ito ay dahil hindi pa gaanong kahanda ang lahat ng mga kakailanganing mga resources at oras sa paghahanda para sa pagbabalik ekwela ng mga estudyante ngayong taon.
Ayon kay Rep. France Castro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) partylist, naging positibo naman ang pagkakalipat ng pasukan ngayong taon nang masiguro na maayos na ang lahat ng mga kakailanganin sa pagsasagawa ng klase ngayong panahon ng pandemya.
Aniya, nagkukumahog pa din kasi ang ilang mga guro sa bansa sa paghahanda ng mga modules dahil sa kawalan ng oras kung sakaling matuloy umano ang klase ngayong Agosto. VC CASTRO POSITIBO
Dagdag pa niya, na sa mga naunang pagdinig ng kongreso hingil dito ay nakita umano nila na karamihan sa mga paaralan sa bansa ang hindi pa talaga handa at sa katunayan umano ay kulang pa rin at hindi pa buong naibigay ang pondo para sa mga modules na gagamitin para sa blended learning.
Nabatid din ni Castro na makikita sa ilang mga paaralan sa bansa ang kakulangan sa mga modules, at maging ang kahandaan ng mga magulang at estudyante sa darating na pasukan.