DAGUPAN CITY- Pinag-iingat ni Vice Gov. Mark Ronald Lambino ang mga tao sa mga naglilipanang pekeng balita sa social media.

Aniya, hindi dapat agad nagpapaniwala sa mga lumalabas na impormasyon lalo na kung nagmula ito sa hindi katiwa-tiwalang sources.

Karamihan sa mga nagpapanggap na media ay nagiging agresibo sa pagpromote ng mga balita na hindi naman makatotohanan at hindi verified.

--Ads--

Kaya kaniyang hinihikayat ang mga netizens na maging maingat sa mga nakikita at maging responsable sa mga ibinibahagi.

Sa tuwing pino-post ang mga nasabing uri ng balita ay natatabunan lamang ang mga totoo at katiwa-tiwalang balita na mula sa mga credible sources.

Humihingi naman ng tulong si Lambino sa mga media na maging agresibo naman sa pagpapalaganap ng mga tunay na balita.

Samantala, nilinaw ni Lambino na wala pa silang naitatalang pandudukot sa lalawigan.

Gayunpaman, parating nakahanda ang mga kapulisan para tiyakin ang kaligtasan at seguridad sa lalawigan.