DAGUPAN CITY — Ipinaliwanag ni Atty. Joseph Emmanuel Cera, Street Lawyer, sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan na may mga tuntunin na sinusunod sa ilalim ng Comprehensive Drugs Law, kung saan dapat ay mayroong 2 1/2 months na pagresolba sa isang drug case ng isang akusado.

Ito ay patungkol naman sa mga akusasyon at alegasyon na kumakalat kaugnay sa di umano’y mabilis na pagpapawalang-sala sa anak ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na si Juanito Jose Remulla III.

--Ads--

Aniya na kung tutuusin ay wala naman sila nilabag na mga alituntunin patungkol sa nasabing paglilitis sapagkat tuloy-tuloy naman ang naging pagdinig sa kaso ng nasabing akusado.

Sa kabila naman ng pagkilala ni Cera sa alalahanin ng taumbayan kaugnay nito, binigyang-diin naman niya na mayroon nang mga itinakdang patakaran Korte Suprema at ang batas na humahalili rito upang mapabilis ang pagdinig at pagresolba sa mga kaso na kinasasangkutan ng mga detension prisoners.

Kaugnay naman ng mga drug personalities at suspects, sinabi ni Cera na karaniwan ay walang piyansa ang mga kasong kinahaharap nila partikular na sa pagbebenta ng mga ipinagbabawal at ilegal na gamot.

Habang nakapaloob naman sa Republic Act No. 9165 o mas kilala sa tawag na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang direktiba na nagsasabing ang mga paglilitis sa mga drug cases, simula sa arraignment o pagsasakdal hanggang sa trial ay gugugol lamang ng dalawa’t kalahating buwan habang ang huwes naman ay mayroon namang 15 araw ang hukom upang resolbahin ang naturang kaso.

Pagdating naman aniya sa ibang criminal cases ay mayroon din namang speedy trial act na ginagamit din ng Supreme Court kung saan ang court proeedings ay umaabot lamang ng 180 days or 6 months.

Ang speedy trial act ay naaangkop naman na gamitin sa lahat ng legal drug cases sapagkat ito ang mandatory na prosesong ginagamit sa korte, kung saan ang arraignment at pre-trial ng isang akusado ay pinagsasabay na.

Dagdag ni Cera na kasama rin sa pre-trial conference ang pre-trial order at kung naisagawa na ito sa loob ng 15 araw ay dapat nakahanda na ito para sa paglilitis.

Habang ang direktba naman para sa ibang criminal cases ay nagsisimula naman ang arraignment 30 araw mula sa pagkakahuli sa akusado. Kaugnay nito ay nilinaw din ni Cera na iba pa rin ang mga proseso sa paglilitis sa mga drug cases, kaya naman walang unusual o hindi minadali ang pagdinig sa kaso na kinasasangkutan ng anak ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sapagkat sinunod lamang ng husgado ang nakapaloob sa batas.

Gayunpaman, itinuturing naman bilang isang phenomenon ang paglilitis sa kaso ni Juanito Jose Remulla III, sapagkat maliban sa 50% lamang ang karaniwang sumusunod sa direktiba na ito ng Korte Suprema, ay umabot lamang ng kabuuang 75 days ang paglilitis ng korte sa kanyang kaso.

Sinabi pa ni Cera na pagdating sa iba ay umaabot ng hindi bababa sa 4 na buwan ang isinasagawang paglilitis kahit pa mag-apply ng Plea Bargaining ang isang akusado.

Isa naman sa nakikitang factor ni Cera sa pagwawalang-sala kay Juanito Jose Remulla III ang paglabag sa tinatawag na Chain of Custody o ang legal na termino na tumutukoy sa kaayusan at paraan kung saan pinangangasiwaan ang pisikal o elektronikong ebidensya sa mga pagsisiyasat sa kasong kriminal at sibil, kung saan ang nakalagay lamang sa kaso ni Juanito Jose Remulla III ay mayroon lamang “Reasonable Doubt” at hindi “Guilt beyond Reasonable Doubt”.

TINIG NI ATTY. JOSEPH EMMANUEL CERA