Pahirapan na umano ang paglikas ng mga foreigners sa Afghanistan dahil napapaligiran na sila ng mga Taliban.

Sa esklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Mark Suela, isang OFW na galing sa Afghanistan at membro ng K9 military Unit, posibleng mahirapang mapalawig pa ang deadline na Augist 31 na paglikas ng mga ibang nationality sa nasabing bansa.

Samantala sa kanyang pakikipag ugnayan sa mga kapwa Plipino, mas maraming Pilipino ang gusto pa sanang manatili doon dahil iniisip nilang mahirap ang buhay sa Pilipinas.

--Ads--
Mark Suela OFW na galing sa Afghanistan

Ang iba ay napipilitan pang bumalik sa kanilang trabaho. Pero kung siya ang tatanungin ay mas maigi umano na mailikas ang mga natitira pang Pilipino doon dahil walang nakakaalam kung ano ang susunod na mga pangyayari.

Samantala, apela niya sa pamahalaan na mapasama sila sa military unit para patuloy na matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.