DAGUPAN CITY- Nakatuon umano ang embahada ng Pilipinas sa Israel na palikasin ang mga Pilipino sa hilagang bahagi ng bansa dahil sa tumitinding tensyon mula sa Lebanon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Lovella Peronilla, Bombo International News Correspondent sa naturang bansa, marami pa rin ang mga Pilipino sa syudad ng Haifa, sa Israel kung saan kamakailang pinapasok ng pag-atake mula sa Hezbollah.

Ikinakatakot lamang ng mga Pilipino na mawalan sila ng trabaho kung lilikas sila.

--Ads--

Mas mabuti na lamang kung yayain sila ng kanilang amo na lumipat muna ng ibang bansa pansamantala dahil magpapatuloy pa rin ang kanilang pagsahod.

Gayunpaman, kung wala namang magawa ang mga OFW at labis na rin silang natatakot ay maigi pang magpa-repatriate na sila.