Tinawag na pagkakamali ang paglalabas sa publiko ni pangulong Rodrigo Duterte sa pangalan ng mga aktibong kongresista at dating kongresista na nasa listahan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na umano ay tumanggap ng kickbacks mula sa proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kanilang mga distrito.

Ayon ito kay professor Mark Anthony Baliton, political analyst dito sa lalawigan ng Pangasinan matapos aminin ni Pangulong Duterte na wala pang sapat na ebidensya para idiin ang mga kongresistang idinadawit sa katiwalian.

Sinabi ni Baliton na dapat napatunayan muna ng office of the president na may bahid ng katotohanan ang mga akusasyon nang ito ay katanggap tanggap ng taumbayan at para hindi maapektuhan ang kredibilidad ng mga taong inaakusahan.

--Ads--

Pero, naniniwala rin si Baliton na maaaring may basehan ang PACC bagamat kulang pa ng ibidensya.

Prof. Mark Anthony Baliton, political analyst in Pangasinan

Sa kabilang dako, naniniwala naman si Baliton na ginagawa lang ng pangulo ang kanyang parte at tinutupad ang pangako na paglaban sa korapsypn sa gobyerno.

Prof. Mark Anthony Baliton, political analyst in Pangasinan

Matatandaan na maliban sa pagpapangalan sa mga mambabatas, inalis naman sa pwesto ang mga district engineer na sinasabing dawit din sa iligal na gawain. Inaatasan ang mga ito na humarap kay Public Works Sec. Mark Villar ngayong araw para magpaliwanag ukol sa pagkakasangkot ng mga ito sa isyu ng kickback at iba pang katiwalian.