BOMBO DAGUPAN – Ikinagalak ng grupong Alliance of Health Workers ang paglalabas ng Department of Budget and Management (DBM) ng P11.5 million para sa One COVID-19 Allowance/Health Emergency Allowance (OCA/HEA) ng mga healthworkers at non-healthcare workers mula sa private at public hospitals.
Ayon kay Robert Mendoza, presidente ng Alliance of Health workers, matagumpay ang isinagawang protesta ng mga health workers na hindi tumigil sa pagkalampag sa administrasyon upang magpalabas ng pondo para sa mga healthworkers.
Pero kung sa usapin ng health emergency allowance, mayroon pa umanong nakasaad sa batas na dapat bigyan ng back pay ang mga Health workers.
Giit ni Mendoza na marami pang pagkakautang ng DOH sa sickness at death benifits ng mga health workers.
Sumatotal 100 billion umano ang kailangan para mabayaran ang lahat ng pagkakautang ng DOH sa mga health workers.
Bagamat may pondo na sinabi ni Mendoza na hindi pa sila umaasa hanggat hindi pa nailalagay sa kanilang payroll.
Umaasa silang magiging makatotohanan ang pangako upang mabalik ang tiwala nila sa ahensya.
Matatandaan na sa inisyung Special Allotment Release Order (SARO) saklaw dito ang unfunded OCA/HEA claims ng nasa 1.6 eligible healthcare at non-healthcare workers para sa period na January hanggang June 2022.