DAGUPAN CITY – Muling nagdeklara ng state of emergency sa Trinidad and Tobago dahil sa lumalala ang mga gang activities na naging banta na sa seguridad ng publiko.
Ayon kay Alan Tulalian, Bombo International News Correspondent sa Trinidad and Tobago, karamihan sa mga krimen ay may kaugnayan sa gang war at organisadong krimen, kabilang ang paggamit ng malalakas na armas gaya ng assault rifles.
Pinapalakas ngayon ang pagpapatrolya ng mga pulis.
Ang bansang Trinidad and Tobago ay dalawang beses na nagdeklara ng State of Emergency (SOE) una noong Disyembre 30, 2024, at muli ay nitong nakaraang buwan lamang dahil sa malubhang banta sa pambansang seguridad at kapayapaan ng publiko.
Para hindi na lumaganap ang kaguluhan ay kailangang bigyan ng dagdag na kapangyarihan ang pulis at militar upang hadlangan ang krimen bago pa ito mangyari.
May nakalap umanong intelihensya na planong patayin ang mga matataas na opisyal ng bansa.
Ang mga banta ay hindi umano basta-basta, at may ebidensiya ng koordinasyon mula sa loob ng kulungan.
Pinayuhan ang mga tao na maging mapagmatyag at iwasan na pumunta sa mga matataong lugar at sa mga hotspot area at maging maging mapagmatyag.